Libel complaint na isinampa ni dating Health Sec. Janette Garin, harrassment umano ayon kay dating DOH Sec. Paulyn Ubial

by Radyo La Verdad | February 26, 2018 (Monday) | 4003

Ayaw pang magbigay ng komentaryo ni dating Health Secretary Paulyn Jean Ubial sa isinampang libel complaint laban sa kaniya at talong ibang pang medical practitioner ni dating Health Secretary Janette Garin.

Sa isang pahayag, sinabi ng dating kalihim na hindi pa umano niya nababasa ang nilalaman ng complaint, ngunit malisyoso umano ang reklamo.

Posibleng nais lamang na mapigilan sila sa pagsasalita ng katotohanan sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senado at Kamara kaugnay ng Dengvaxia controversy. Isa rin umano itong uri ng harassment.

Noong Biyernes, naghain ng libel complaint si dating Health Sec. Janette Garin sa Iloilo Prosecutor’s Office laban kay dating Health Sec. Paulyn Jean Ubial, dating Usec. Ted Herbosa,  Dr. Tony Leachon at si Dr. Francis Cruz.

Ayon kay Garin, ilang beses na siyang nadiin ng mga ito sa batang nabakunahan ng Dengvaxia na iniuugnay ang kamatayan sa naturang anti-dengue vaccine.

Samantala, bukod sa libel complaint ni Garin, nahaharap din sa panibagong libel complaint ang kinuhang consultant ni dating Health Secretary Paulyn Jean Ubial na si Dr. Francis Cruz.

Ito ay matapos maghain ng reklamo sa Manila Prosecutors Office kahapon ang pitong opisyal ng DOH na inakusahan ni Cruz ng pagiging sangkot sa umanoy mafia sa kagawaran.

Ang mga complainant ay sina Usec. Gerardo Bayugo, Usec. Lilibeth David, Asec. Nestor Satiago, si Director Mar Wynn Bello at tatlo pang DOH official.

Muli ring nilinaw ni Director. Bello na wala silang kinita pagbili ng Dengvaxia vaccines.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,