Mariing itinanggi ni Leyte Governor Leopoldo Domico Petilla ang lumabas sa social media na diumano’y drug protector siya ni Mayor Rolando Espinosa at ng anak nitong si Kerwin.
Sinabi ni Petilla na hindi nya alam kung bakit napasama ang kanyang pangalan sa affidavit ng napaslang na mayor ng Albuera, Leyte.
Hindi umano niya personal na kilala at wala siyang kaugnayan kay Espinosa mula ng mahalal siya bilang gobernador ng Leyte noong 2013.
Ayon kay Petilla siya pa mismo ang nagpadagdag ng seguridad mula sa PNP para kay Espinosa dahil ito pa lamang ang kauna-unahang high profile inmate na ikinulong sa Baybay Sub-Provincial Jail.
Tags: itinangging protector siya ng mag-amang Espinosa sa Leyte, Leyte Gov. Mic Petilla