Lebel ng tubig sa Angat dam, bahagyang tumaas.

by Erika Endraca | July 1, 2019 (Monday) | 5682

MANILA, Philippines – Bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa Angat dam bunsod ng mahinang mga pag-ulan na naranasan sa mga nakalipas na araw.

Mula sa 157.96 meters noong Sabado (June 29) bahagyang umangat sa 158.64 meters ang lebel ng tubig sa angat dam kahapon (June 30).

Bunsod iyon. Ng mga pagulan na naranasan sa angat water shed noong weekend na epekto ng habagat ayon sa pagasa.

Nangangahulugan iyon na na nadagdagan ang tubig sa angat dam ng point 68 meters.

Sa kabila nito sinabi ng NWRB na masyado pang maaga upang masabi na bumubuti na ang sitwasyon ng dam lalo’t mababa pa rin ito sa critical level.

Dagdag pa ni Dr. David, mananatili pa rin sa 36 cubic meter per second ang alokasyon ng tubig sa Metropolitan Waterworks And Sewerage System, MWSS  habang patuloy pa ring binabatayan kung paano muling makababawi ang lebel ng tubig sa angat.

“Ang tinitignan natin dito yung requirement din nung security ng water supply for the rest of the year kasi kung gaano sya kataas makarecover yun ang kailangan nating tignan and in order for us to consider kung mase-secure natin yung pangangailan sa tubig even sa susunod na taon” ani  Nwrb Executive Director Dr.Servillo David Jr.

Samantala, inaasahan naman ng pagasa ang pagpasok sa bansa ng dalawa hanggang tatlong bagyo sa susunod na buwan na posibleng magdala ng malalakas na pag-ulan sa angat water shed.

“Malaking tulong din ito dun sa water shed ng angat dam kasi itong bagyong ito ang maghahatak ng habagat na posibleng magbigay ng malalakas na pagulan sa water shed ng angat dam” ani Pagasa Hydrologist Elmer Caringal.

Bukod sa angat dam, bahagyang bumaba rin ang lebel ng tubig sa ipo dam. Mula sa 101 meters na maintaining level nito, nasa 100.61 lamang ang naitalang level nito as of 6am kahapon(June 30).

Habang ang La mesa dam naman, mula sa 69 meters critical level, kahapon (June 30) ay umaabot sa  71.50 meters ang naitalang lebel ng tubig.

(Joan Nano | Untv News)

Tags: , , ,