Latest PAGASA weather advisory: Typhoon “MAYSAK”

by dennis | April 1, 2015 (Wednesday) | 1647

PAGASA3

PAGASA4

Sa pinakahuling weather update ng PAGASA-DOST, kaninang 10:00 ng umaga, ang mata ng bagyo na may international name “MAYSAK” ay namataan sa layong 1,280 km sa Silangang bahagi ng Guiuan, Eastern Samar.

Ito ay may lakas ng hangin na nasa 215kph malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na aabot sa 250 kph.
Ang bagyo ay tinatayang maglalakbay sa direksyong pa-Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 17 kph.

Ayon sa PAGASA, hindi pa mararamdaman ang epekto ng bagyo dahil masyado pa itong malayo sa bansa. Inaasahan na papasok sa Philippine Area of Responsibility si MAYSAK sa pagitan ng gabi ng Miyerkules at umaga ng Huwebes at papangalanan itong “CHEDENG”.

Ang susunod na update sa bagyo ay isasama sa Public Weather Forecast mamayang 5:00 ng hapon at ang susunod na advisory ay bukas ng umaga, araw ng Huwebes, 11:00am