Lalawigan ng Bataan, ramdam na ang malalakas na hangin dala ng Bagyong Rosita

by Radyo La Verdad | October 30, 2018 (Tuesday) | 10659

Pasado alas sais ng umaaga kanina nang maramdaman ang malalakas na hangin dito sa Balanga, Bataan. Makulimlim na ang kalangitan at pabugso-bugsong pag-ulan.

Sa kasalukuyan ay normal pa rin ang sitwasyon sa lugar at wala pang naitatalang anomang insidente.

Kahapon pa lang ay naglagay na ng command center ang City Disaster Risk Reduction and Management Office sakaling may kailangang i-rescue na mga kababayan natin dito.

Nakaayos na rin ang nasa dalawampu’t isang evacuation center bagaman wala pa namang nagsisilikas na residente.

Walong daang foodpack naman ang inihanda para sa mga posibleng maapektuhan ng bagyo.

 

( Leslie Huidem / UNTV Correspondent )

Tags: , ,