Lalaking sugatan sa motorcyle accident sa Cebu, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | June 22, 2015 (Monday) | 1139

TMBB
Mabilis na rumesponde ang UNTV News and Rescue Team sa aksidente sa South Road Properties o SRP pasado alas onse ng gabi noong Biyernes.

Nakaupo sa gutter ng kalsada at duguan ang mukha ng biktima na kinilalang si Rerodan Daan, apatnapu’t isang taong gulang na taga Cansuong Talisay City

Tumulong ang UNTV News and Rescue sa Emergency Medical Service o EMS sa paglapat ng first aid sa sugat sa mukha ng biktima.

matapos na malapatan ng pang-unang lunas dinala na sa ospital ang biktima.

Tags: