Lalaki sa Apalit, Pampanga na nagtamo ng sugat sa mata, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | April 13, 2016 (Wednesday) | 1684

JOSHUA_TMBB
Isang tawag mula sa concerned citizen ang natanggap ng UNTV News and Rescue Team dahil sa kasamahan nito na nagtamo ng sugat sa mata, pasado alas singko ng hapon kahapon sa Barangay Sampaloc, Apalit, Pampanga.

Ayon kay Armando Capili, kwarentay singko anyos, habang nagtatrabaho ay bigla na lamang tumama sa kanyang kaliwang mata ang alambre.

Inasses ng grupo ang kalagayan ni Capili at binigyan ng first aid, matapos ay dinala ang biktima sa Jose B Lingad hospital.

Ayon naman sa doktor na sumuri sa kanya, may naiwang bahagi ng alambre sa loob mismmo ng kanyang mata kaya kakailanganin itong maoperahan.

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,