Lalaking nabangga ng sasakyan sa Davao City, magkatuwang na tinulungan ng UNTV News and Rescue Team at Davao Central 911

by Radyo La Verdad | February 26, 2018 (Monday) | 4033

Nagtamo ng pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang isang lalaki matapos mabundol ng sasakyan pasado alas onse noong Biyernes ng gabi sa km 14, National Highway, Panacan, Davao City.

Kinilala ang biktima na si Charles June Lorejo, 31 anyos, nakatira sa Pag-asa st., E-Jacinto, Davao City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, papauwi na sana si Charles at ang ama nito mula sa isang lamay ngunit habang tumatawid sa kalsada ay nabangga ang mga ito ng isang sasakyan.

Agad namang nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team at ng Davao Central 911 ang idinadaing na pananakit ng paa at sugat sa ulo ni Charles. Pagkatapos ay dinala na ito ng grupo sa Southern Philippine Medical Center.

Ayon sa Davao Central, 911 nasawi naman ang ama ni Charles.

 

( Marisol Montano / UNTV Correspondent )

Tags: , ,