Lalaking nabangga ng motorsiklo sa Apalit, Pampanga kagabi, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | August 17, 2017 (Thursday) | 3930

Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang aksidente sa Barangay Sampaloc Apalit, Pampanga pasado alas otso kagabi. Nadatnan pa ng grupo na nakaupo sa kalsada ang biktima na si Albert Hafalla, trentay dos anyos na nakatira sa Batangas City.

Iniinda nito ang gasgas sa kanang tuhod, paa at ang pananakit ng kanyang balakang at leeg. Kaagad namang binigyan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue team ang biktima.

Kwento nito, naglalakad lamang ito nang bigla syang banggain ng motorsiklo. Matapos siyang mabangga ay natumba ang motorsiklo at nagtamo ng matinding pinsala ang driver nito.

Samantala, matapos malapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team si Albert ay dinala ito sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital.

 

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

 

 

 

 

Tags: , ,