Lalaking naaksidente sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | July 23, 2015 (Thursday) | 1339

TMBB
Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang lalaki matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang kotse sa Southbound ng EDSA-Muñoz sa Quezon City bandang alas-onse y medya kagabi.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at mukha ang biktimang si Ronel Dalanan, 45-anyos na residente ng Brgy. Commonwealth.

Nilapatan ng paunang lunas ang mga sugat nito at pagkatapos ay isinugod na sa ospital matapos rin nitong idaing ang pananakit ng kanyang kaliwang balakang.

Ayon naman sa driver ng kotse, papaliko na sana siya sa U-turn slot nang biglang bumangga ang motorsiklo sa likuran ng kanyang sasakyan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Quezon City Traffic Sector 6, posibleng nawalan ng kontrol ang motorcycle rider kaya ito sumalpok sa sinusundang kotse.

Sa ngayon ay dinala muna sa tanggapan ng QCPD Traffic ang mga sasakyang sangkot sa insidente habang hindi pa natatapos ang imbestigasyon.

Tags: