Lalaking naaksidente sa Camarines Sur, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | October 13, 2016 (Thursday) | 1010

allan_tmbb
Gasgas sa katawan at malaking hiwa sa kaliwang paa ang iniinda ng lalaking ito nang makita ng UNTV News and Rescue Team sa kahabaan ng Pan-Phil Highway sa Nabua, Camarines Sur kagabi.

Agad nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang biktima na kinilalang si Jimmy Gado na tumanggi nang magpahatid sa ospital.

Ayon kay Gado, sakay siya ng motorsiklo nang mabangga siya ng kasalubong na sports utility vehicle matapos sumabog ang gulong nito.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: ,