Lalaking naaksidente sa Camarines Sur, binigyan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | January 19, 2017 (Thursday) | 1204

ALLAN_TMBB
Isang lalaki na aksidenteng nasubasob sa semento ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team sa Brgy. Anayan, Pili Camarines Sur alas onse bente kagabi

Nagtamo ng mga sugat at malaking bukol sa noo ang biktima na nakilalang si Michie Bantula.

Aminado si Bantula na nakainom siya at pauwi na sana nang mapatid sa kalsada habang naglalakad.

Tiyempo namang napadaan sa lugar ang UNTV News and Rescue at agad siyang nabigyan ng first aid.

Tumanggi na siyang magpadala sa ospital.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: ,