Arestado ang isang lalaki matapos itong ireklamo na pangmomolestiya ng isang babae loob ng pampasaherong bus sa Mandaluyong.
Kinilala ang suspek na si Sherwin Pareño, 32-anyos na ngayon ay nakakulong sa Mandaluyong Police Station dahil sa reklamong acts of lasciviousness.
Sa imbestigasyon, nakatawag agad ng tulong sa mga tauhan ng District Public Safety Batallion ng Eastern Police District na noo’y nagpapatrolya malapit sa EDSA, ang dise sais anyos na biktima na itinago sa pangalang Myra.
Tinangka pa ng suspek na tumakas subalit naharang ito ng mga rumispondeng pulis.
Itinanggi naman ng suspek ang reklamo laban sa kaniya.
Samantala, nakatulong naman ang police visibility sa lugar upang agad na makarisponde ang mga otoridad sa panahon na kailangan ng tulong ng publiko.
(Jerico Albano/UNTV Radio)