Lalaking duguan at walang malay sa Bacolod City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | August 29, 2016 (Monday) | 1698

MTBB
Duguan at walang malay nang madatnan ng UNTV News and rescue team ang isang lalaking sa gilid ng kalsada ng Verbina Street, Libertad Bacolod City pasado ala una ng madaling araw ng Sabado.

Nakilala ang biktima na si Teddy Peres Berjes Jr. 37-anyos.

Ayon sa isang nakasaksi, naglalakad si Berjes nang pagewang gewang nang bigla na lang itong bumagsak

Tumama ang ulo nito sa semento at nawalan ng malay.

Dagdag pa ng nakakita sa biktima, basang basa ito dahil sa ulan at nangangamoy alak din.

Agad naman tinulungan ng UNTV News and Rescue Team si Berjes at nilapatan ng pangulang lunas ang tinamo nitong sugat sa ulo, mga pasa sa mukha at pagdurugo ng kanang tenga.

Matapos na bigyan ng first aid ay dinala na ng grupo ang biktima sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital para sa karagdagang atensyong medikal.

(Primrose Guilaran/UNTV Radio)

Tags: ,