Lalaking biktima ng vehicular accident, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | September 15, 2017 (Friday) | 2857

Pamamaga sa kanang balikat at mga galos sa katawan ang tinamo ni Jernie Peñaredondo, trenta anyos, matapos na masangkot sa isang vehicular accident sa Mindanao Avenue sa Quezon pasado alas onse kagabi.

Ayon sa kay PO1 Ryan Andres, binabagtas ng isang toyota wigo ang Mindanao avenue at mag-uuturn sana ng biglang banggang ng isang motorcycle rider ang likurang bahagi ng kanyang sasakyan.

Agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team mga tinamong pinsala ng biktima. Pagkatapos nito ay isinugod ng grupo si Peñaredondo sa East Avenue Medical Center para sa karagdagang atensyong medikal.

Wala namang pananagutan ang driver ng kotse dahil siya ang binangga ng biktima.

 

(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)

 

 

 

 

 

Tags: , ,