Lalaking biktima ng vehicular accident, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | June 18, 2015 (Thursday) | 1077

TMBB
Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team Iloilo ang lalaking biktima ng vehicular accident sa Barangay Tabuc Suba, Jaro, Iloilo City kaninang ala una singkwenta ng madaling araw

Ayon sa mga nakasaksi, tumatawid sa kalsadaang biktima nang masagi ng truck.

Kinilala ang biktima na si Ramon Layoson isang palaboy sa Jaro, Iloilo City na nabali ang buto sa kaliwang tuhod at nagtamo ng gasgas sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Matapos na malapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team at Iloilo City Emergency Response Team ay agad na dinala sa ospital si Layoson.

Sinagot naman ng driver truck na kinilalang si Dennis Emmanuel Castante ang lahat ng gagastusin sa pagpapagamot kay Layoson.

Tags: ,