Lalaking biktima ng hit and run sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | July 14, 2015 (Tuesday) | 1556

TMBB
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang napaulat na kaso ng hit and run sa bahagi ng Dario Bridge sa Quezon City bandang alas-diez kagabi.

Nadatnan ng grupo ang biktimang si Ezekiel Ingkiam, 18 years old habang nakahandusay sa kalsada at iniinda ang tinamong gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Idinaing rin nito ang pananakit ng kanyang tagiliran kaya’t mabilis siyang in-assess at nilapatan ng paunang lunas ng UNTV Rescue Team, pagkatapos ay agad na dinala sa Quezon City General Hospital.

Ayon sa isang tanod na nagroronda sa lugar, nahagip ang biktima ng isang wrecker truck ngunit agad itong tumakas at hindi nakuha ang numero ng plaka.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad kung may iba pang nakasaksi sa pangyayari upang matukoy ang suspek.(Reynante Ponte/UNTV Correspondent)

Tags: ,