Lalaki patay sa pamamaril sa Tondo Maynila, krimen nakuhanan ng CCTV

by Radyo La Verdad | December 1, 2015 (Tuesday) | 3555

BENEDICT_PATAY
Hustisya para sa kamatayan ng kanilang padre de pamilya ang hiling ngayon ng mga kaanak ng 48 anyos na si Melecio Alcalde matapos masawi nang pagbabarilin sa Tondo Manila.

Sa kuha ng Closed Circuit Television camera ng barangay 112 ala una dos ng hapon noong Linggo makikita ang isang lalaki na may hawak na baril, nilapitan naman siya ng lalaking nakahubad na tinukoy na si alcalde at duon na pinaputukan ng suspek ang biktima at pagkatapos ay agad na tumakas.

Kitang kita ng may bahay ng biktima kung papaano pinaslang ang kanyang asawa.

Kinilala ng asawa ng biktima ang lalaking bumaril sa biktima na mag-amang sina Alfredo “Jonjon” Tenioso ang lalaking bumaril kay Alcalde at si Austine “King” Tenioso 20 anyos na kasabwat umano sa krimen.

Base na otopsiya sa katawan ng biktima nagtamo ng anim na tama ng bala ng caliber 9mm na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Hindi naman matanggap ng panganay na anak ng biktima ang sinapit ng kanyang ama.

Aniya umuwi agad ito nang mabalitaan ang nangyari, hindi na niya maiibgay ang sapatos na lambing sa kanya ng ama.

Wala silang maisip na motibo sa krimen dahil mabait ang kaniyang ama at maraming natutulungan sa kanilang lugar.

Bagaman madaming nakakita sa krimen wala silang makuhang saksi dahil natatakot na madamay at balikan ng mga suspek.

Hawak na ng Manila Police District Homicide Section ang larawan ng dalawang suspek na sa ngayon ay hinihinalang nagtatago na.(Benedict Galazan/UNTV Correspondent)

Tags: , , ,