Lalaki patay sa pamamaril sa Tondo Manila

by Radyo La Verdad | November 12, 2015 (Thursday) | 1897

BENEDICT_PATAY
Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabariling ng di pa matukoy na suspek sa Zaragosa street Moriones Tondo Manila magaalauna kaninang madaling araw.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa ulo ang biktima na kinilalang si Dennis Rodriguez 39 anyos nagtatrabo bilang sidecar boy.

Ayon sa mga kaanak ni Dennis, ilang beses nang nakulong ang biktima sa kasong panghoholdap at kalalaya lang noong Setyembre, pero na pinipilit na daw magbago para kanyang walong anak kaya pinasok ang pagiging side car boy, kaya hindi matanggap ng mga ito ang sinapit ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, kalibre 45 na baril ang ginamit sa krimen base sa dalawang basyo na nakita sa crimen scene.

Wala ring makuhang saksi ang pulisya dahil posible umanong natatakot na balikan ng suspek sa krimen.

Nakikipagugnayan narin ang manila police district homicde section sa mga opisyal ng dalawang barangay sa lugar upang malaman kung nakuhanan ng cctv ang krimen na makatutulong sa pagtukoy sa responsable sa pamamaslang.(Benedict Galazan/UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,