Lalaki, patay sa pamamaril sa Maynila dahil sa away trapiko

by Radyo La Verdad | July 26, 2016 (Tuesday) | 4847

BENEDICT_PATAY
Dead on the spot ang biktima na kinilalang si Mark Vincent Geralde 35 anyos matapos barilin ng di pa matukoy na suspek sa P.Casal Street, Quiapo, Manila mag-aalas diyes kagabi.

Base sa kuha ng closed circuit television camera ng Barangay 385, tila nagtatalo ang biktima at ang suspek na sakay ng kotse.

Nilapitan ng suspek si Geralde at saka sinuntok, kaya nauwi sa suntukan at nagpambuno ang dalawa.

Makalipas ang ilang minuto naghiwalay ang dalawa at bumalik sa kanyang kotse ang suspek, ang biktima naman at kinuha ang kanyang bisikleta.

Subalit ng papaalis na si Mark Vincent bumaba ng kotse ang suspek na may dalang baril at paglapit sa biktima ay pinagbabaril.

Apat na putok nang baril ang narinig ng mga residente, narecover sa crime scene ang apat basyo ng kalibre 45 na baril at isa slug.

Isang college student naman ang tinamaan ng ligaw na bala matapos ang pamamaril.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ayaw sa trapiko ang pinagsimulan ng krimen.

Bigo namang makuha ang plate number ng kotse, pero isang witness ang hawak ng mga otoridad na na nakatanda sa mukha ng suspek.

(Benedict Galazan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,