Lalaki, patay matapos pagbabarilin ng apat na riding in tandem sa Caloocan City kagabi

by Radyo La Verdad | July 14, 2016 (Thursday) | 1285

PATAY-MACKY
Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng 4 na riding in tandem sa Salmon Street Brgy Otso Zone 1 District 2 Caloocan City pasado alas onse kagabi.

Kinilala ang biktima na si Fernando Remtillo o alyas Ding.

Ayon sa nakakita sa insidente, bawat motor ay may sakay na dalawang tao, lahat ng ito ay naka bonet at mga armado.

Ng maaktuhan nila ang biktima ay agad umano itong pinagbabaril.

Tulala naman at hindi makausap ang asawa ng biktima na may talong maliliit na anak.

Subalit ayon naman sa ex-o ng barangay kasama ang biktima sa watchlist ng mga drug related personalities sa lugar.

Sa inisyal nabimbestigasyon ng SOCO, nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan at ulo ang biktima na sya naman nitong ikinamatay.

(Macky Libradilla/UNTV Radio)

Tags: ,