Lalaki patay matapos barilin ng di pa nakikilalang suspek sa Tondo, Maynila

by Radyo La Verdad | September 11, 2015 (Friday) | 1678

BENEDICT_PATAY
Sa eskinita ng Narra corner JP Laurel street na binawian ng buhay ang isang lalaki matapos barilin ng hindi pa matukoy na suspek pasado ala una kaninang madaling araw sa Don Bosco Tondo Manila.

Nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo ang biktima na kinilalang si RJ Bidot, 20 anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, posibleng binaril ng nakatalikod si Bidot kaya hindi na ito nakapanglaban pa.

Hinala ng mga pulis, kakilala ni Bidot ang taong pumatay sa kanya bagaman dipa tukoy kung ano ang motibo sa krimen.

Sa ngayon hawak na ng mga otoridad ang kopya ng cctv upang magamit sa pagtukoy sa suspek sa pamamaslang.(Benedict Galazan/UNTV Correspondent)

Tags: , ,