LAGUNA, Philippines – Negatibo ang resulta ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa lalake na dinala roon noong Miyerkules, Pebrero 20, matapos paghinalaan na may Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus (MERS-COV)
Negatibo ang laboratory result sa lalake mula sa Santa Cruz, Laguna na isang OFW sa Riyadh, Saudi Arabia.
Ani Dr. Eduardo Janairo, ang regional director ng DOH Region 4A, “Sa ngayon, wala nang dapat ipangamba kasi negative naman yung kaniyang viral identification. Ang hinahanap natin ngayon, ano ang cause ng pneumonia at ubo niya o fever?”
Bumalik na rin sa normal ang operasyon ng Laguna Doctors Hospital sa Santa Cruz matapos isara pansamantala sa mga pasyente ang emergency room nito.
Ang MERS-COV ay isang sakit na nakakahawa at nakamamatay na unang natuklasan sa Saudi Arabia noong 2012. Ilan sa mga sintomas nito ay ang mataas na lagnat, ubo at hirap sa paghinga.
Samantala ayon kay Janairo, mananatili pa rin sa RITM ang lalake upang patuloy na obserbahan.
(Sherwin Culubong | UNTV News)
Tags: Laguna, MERS-COV, Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus, negative