Lalakeng sugatan sa San Pedro, Laguna dahil sa aksidente sa motorsiklo tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | February 29, 2016 (Monday) | 1530

SHERWIN_TMBB
Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang driver ng motorsiklo matapos maaksidente sa ginagawang kalsada sa boundary ng Biñan at San Pedro, Laguna noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Alfred Ganancial na nagtamo ng gasgas sa kaliwang kamay at sugat sa bibig.

Nagtamo rin ito ng pasa sa kaliwang pisngi.

Ayon sa mga saksi madalas mangyari ang aksidente sa ginagawang kalsada dahil madilim sa lugar at walang nakalagay na mga early warning devices.

Matapos malapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue ang biktima ay dinala na ito ng San Pedro Rescue sa ospital.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,