Lalakeng nabugbog sa San Pedro, Laguna, sinaklolohan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | September 22, 2016 (Thursday) | 1288

sherwin_tmbb
Nirespondehan rin ng UNTV News and Rescue Team katuwang ang San Pedro Rescue ang insidente ng pambubugbog sa isang lalake sa San Pedro Laguna National Highway Center Island pasado alas dyes kagabi.

Kinilala ang biktima na si Arnold Montana na nagtamo ng pamamaga sa kaliwang pisngi at sugat sa kaniyang bibig.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad nagulpi ang biktima matapos umanong hindi magbayad at magtangka pang tumakas ang grupo nito sa bar.

Matapos lapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue ang biktima ang San Pedro Rescue naman ang naghatid dito sa Amante hospital.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: , ,