Lalakeng nabangga ng van sa Apalit Pampanga, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | July 6, 2015 (Monday) | 1889

TMBB PAMPANGA
Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang lalake matapos mabangga ng isang van sa kahabaan ng Mc Arthur Hi-way sa Barangay Sampaloc Apalit Pampanga pasado alas onse kagabi.

Kinilala ang biktima na si Rudy Vidasco Jr. 45 years old, nakatira sa Amparo Subdivision Caloocan City.

Namamaga at gasgas ang kanang bahagi ng mukha ni Mang Rudy.

Iniinda rin nito ang pananakit ng kanyang tagiliran at bewang na kaagad namang nilapatan ng pang-unang lunas ng UNTV News and Rescue Team Pampanga.

Ayon sa mga nakakita sa pangyayari, nag-aabang lamang si Mang Rudy pauwi sana sa kanilang bahay nang bigla na lamang binanggang isang van na mina-maneho ni Lorina Mariano.

Ayon sa driver hindi nya napansin si Mang Rudy na naka-abang sa gilid ng kalsada.

Kaagad na dinala sa Jose B. Lingad Hospital ang biktima

Sinagot naman ng naka-bangga ang lahat ng gagastusin ng biktima sa hospital.

Tags: