Agad nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang lalake na sugatan matapos sumadsad ang sinasakyang motor habang binabaybay ang kahabaan ng Tagudin, Ilocos Sur highway.
Kinilala ang biktima na si Marvin Joseph Abad, biente y otso anyos, na residente ng kasilangan, Sta. Cruz, Ilocos Sur.
Ayon sa biktima, pauwi na siya mula Tagudin Public Market nang biglang huminto ang sinusundang van dahilan upang mabangga ang sinasakyan nitong motor.
Nagtamo ang biktima ng sugat sa noo, kamay at gasgas sa kanang paa na agad namang nilapatan ng paunang lunas ng rescue team.
Matapos malapatan ng paunang lunas ay agad itong dinala ng Tagudin Mobile Police sa Ilocos Sur Southern District Hospital.
(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)
Tags: Ilocos Sur, Lalakeng naaksidente, Tagudi, UNTV News and Rescue Team