Lalakeng biktima ng motor accident, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | March 1, 2016 (Tuesday) | 1240

GRACE_TMBB
Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team kasama ang Baguio City Emergency Medical Services ang isang biktima ng motorcycle accident sa Baguio City, alas tres kinse ng madaling araw kanina.

Kinilala ang biktima na si Daniel Carlo Tabago, 27-anyos at kasalukuyang naninirahan sa New Lucban, Baguio City.

Inabutan ng Rescue Team na nakahiga pa sa kalsada ang biktima at idinaraing ang pananakit ng kaliwang balikat.

Ayon sa biktima, pauwi na sana ito mula Marcos Highway at binabagtas ang kahabaan ng Kalaw Street nang bumangga ang minamanehong motorsiklo nito sa likod ng isang taxi.

Positibo sa alkohol ang biktima.

Nagtamo si Tabago ng hinihinalang left clavicular dislocation at multiple abrasions sa kaniyang kanang kamay.

Matapos malapatan ng paunang lunas ay isinugod na ang biktima sa Baguio General Hospital.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: , ,