Lalake na biktima ng hit and run sa Maynila, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | September 14, 2015 (Monday) | 2453

TMBB
Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang lalaking biktima ng hit and run sa Taft Avenue Corner Ayala Boulevard sa Ermita Maynila pasado alas dos kaninang madaling araw.

Isang lalaki na kinilalang si Paul Jerome Bautista ay nagtamo ng posibleng bali sa kaliwang hita at gasgas sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Nilapatan ng pang-unang lunas ang biktima at dinala sa Manila Doctors Hospital.

Ayon kay Bautista, kasalukluyang nyang binabagtas ang kahabaan ng Taft Avenue nang biglang banggain ng truck sa intersection lane ang unahang bahagi ng kaniyang motor.

Hindi naman niya nakuha ang plaka ng truck.

Samantala, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang aksidente sa bahagi ng Barangay Colo sa Dinalupihan, Bataan bandang alas-otso y media ng gabi noong biyernes.

Nadatnan ng grupo ang biktimang si Ralph Due, 22-anyos habang iniinda ang mga tinamo niyang sugat sa paa, hita at siko sanhi ng malakas na pagkakabagsak mula sa minamanehong motorsiklo.

Sa salaysay ng biktima, binabagtas niya ang madilim na kalsada pauwi sa kanilang bahay nang may bigla tumawid na aso.

Nawalan umano siya ng kontrol sa manibela dahilan upang matumba ang motorsiklo at sumadsad siya sa kalsada.

Matapos lapatan ng paunang lunas ang kanyang mga sugat ay tumanggi na siyang magpahatid sa ospital.

Tags: ,

Sugatang motorcycle rider sa Butuan City, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | June 24, 2019 (Monday) | 383823

BUTUAN, Philippines – Nakahandusay sa kalsada ang isang lalaking motorcycle rider nang datnan ng  UNTV News and Rescue team sa South Montilla Boulevard, Butuan City, noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang rider na si Jason Fermano na taga Amayahan, Agusan del Norte.

Nagtamo ito ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at pananakit balikat bunsod ng pagkakabangga sa center island ng kanyang minamanehong motorsiklo.

Kwento ng mga nakasaksi sa aksidente, mabilis umano ang pagpapatakbo ni Fermano habang binabaybay ang national highway na tila nakikipaghabulan sa ibang motorista.

Nagulat nalang ang mga tao sa lugar nang salpukin nito ang center island.

Matapos lapatan ng first aid ng UNTV Rescue si Fermano ay dinala na ito sa Butuan Medical Center upang masuri ng mga doktor habang kinuha naman ng mga pulis ang motorsiklo nito para sa safe keeping.

Para sa mga mangangailangan ng tulong ng UNTV News and Rescue makipag ugnayan lamang sa numerong 911-UNTV o 911-8688.

(Raymond Octobre | UNTV News)

Tags: , , ,

3 lalake, sugatan matapos maaksidente ang sinasakyang motorsiklo sa Lipa, Batangas kagabi

by Radyo La Verdad | November 8, 2018 (Thursday) | 268497

Masuwerteng gasgas lang ang tinamo ng mga magkakabarkada matapos maaksidente ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Ayala Highway, Barangay Balintawak sa Lipa, Batangas kagabi.

Ayon sa mga biktima, galing silang Batangas City at patungo sana ng Malvar nang biglang lumabas sa isang kanto ng Ayala Highway ang isa pang motorsiklo na tinamaan nila sa likurang bahagi dahilan upang mawalan sila ng kontrol sa manibela.

Agad namang nilapatan ng UNTV News and Rescue Team ang mga gasgas sa tuhod at binti ng mga biktima na sina Romel de Asis, Juan Carlo Maldorado at Tristan Samonte na tumanggi nang magpadala sa ospital.

Samantala, nagkasundo naman ang dalawang panig na magkaayos na lang at hindi na magreklamo sa pulisya.

 

Tags: , ,

Biktima ng motorcycle accident sa Butuan City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | October 23, 2018 (Tuesday) | 215718

Isang tawag mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office ang natanggap ng UNTV News and Rescue Team pasado alas nuwebe kagabi.

Ito’y matapos bumangga sa nakaparadang multicab sa Bonbon Road ang minamanehong motor ni Bryan Pontemar. Nagtamo ang biktima ng matinding pagdurugo sa ulo at posibleng bali sa kanang binti.

Ayon sa ilang saksi, walang suot na helmet si Pontemar habang nagmamaneho at mabilis ang pagpapatakbo nito ng motorsiklo bago mangyari ang aksidente.

Agad nilapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue ang biktima. Pagkatapos ay dinala ito ng grupo sa Butuan Medical Center upang masuri ng doktor.

 

( Raymond Octobre / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

More News