Labor Day Job Fair ng DOLE, kasado na bukas

by dennis | April 30, 2015 (Thursday) | 1702
File photo: Labor Day Job Fair noong 2013 sa Davao City (PHOTOVILLE International)

File photo: Labor Day Job Fair noong 2013 sa Davao City (PHOTOVILLE International)

Pinagdadala ng mga kakailanganing dokumento ang lahat ng job seekers na dadalo sa Labor Day Job Fair sa PICC Forum bukas, araw ng Biyernes.

Ayon kay Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz, dapat magdala ng ilang hard copy ng resume, 2×2 pictures, certificate of employment para sa dating nakapagtrabaho, diploma, transcript of records at authenticated birth certificate ang mga job seeker na dadalo sa naturang event.

Umaabot sa 75,000 trabaho ang maaaring mapasukan ng ating mga kababayan sa Forum 1 at 2 ng nasabing job fair.

Samantala naroon rin ang TESDA booth para sa mga naghahangad ng training assistance at Overseas Workers and Welfare Wdministration (OWWA) booth para sa mga OFW na nangangailangan ng welfare services.

Ang Labor Day Job Fair na ito ng DOLE ay may temang “disenteng trabaho at kabuhayan, alay natin sa bayan”

Tags: , ,