METRO MANILA – Hinihinatay na lamang ng Philippine Air Force na bumuti ang panahon sa Divilican, Isabela.
Nang sa gayon mai-transport na mula Divilacan patungong Cauayan City ang bangkay ng 5 pasahero at ang piloto nang Cessna plane 206 na may tail number RP-C1174 na bumagsak sa Sierra Madre.
Nahanap ang nawawalang Cessna plane noong March 9 sa bahagi ng Barangay Ditarum, Divilacan, Isabela mula nang unang mapaulat itong nawawala noong January 24, 2023 matapos mag-take off mula sa Cauayan airport sa nasabing lalawigan.