Labi ng 6 na sakay ng Cessna plane 206 naibaba na sa Divilacan, Isabela

by Radyo La Verdad | March 13, 2023 (Monday) | 1222

METRO MANILA – Hinihinatay na lamang ng Philippine Air Force na bumuti ang panahon sa Divilican, Isabela.

Nang sa gayon mai-transport na mula Divilacan patungong Cauayan City ang bangkay ng 5 pasahero at ang piloto nang Cessna plane 206 na may tail number RP-C1174 na bumagsak sa Sierra Madre.

Nahanap ang nawawalang Cessna plane noong March 9 sa bahagi ng Barangay Ditarum, Divilacan, Isabela mula nang unang mapaulat itong nawawala noong January 24, 2023 matapos mag-take off mula sa Cauayan airport sa nasabing lalawigan.