Tinutulan ni Akbayan Representative Tom Villarin ang appointment ni Department of Agrarian Reform Secretary John Castricones. Wala umanong kakayahan ang kalihim na mamuno sa DAR; bagay na kinontra ni Castriciones sa pagdinig ng Commission on Appointments kahapon.
Ayon sa kalihim, nasa 14 thousand pending case ang nakabinbin sa DAR at nagpaplano na umano siya kung paano mapapabilis ang pagresolba dito.
Sa kabila nito, pag-aaralan pang mabuti ng CA ang kwalipikasyon ng DAR secretary sa susunod na pagdinig.
December 2017 nang italaga si Castriciones bilang kalihim ng DAR matapos bigong makalusot sa makapangyarihang bicameral body si dating DAR Secretary Rafael ‘Paeng’ Mariano.
Si Secretary Castriciones ay dating undersecretary ng Department of the Interior and Local Government at sinasabing kabilang umano sa tatlong DILG undersecretaries na nagpaalis sa pwesto kay dating DILG Secretary Ismael Sueno.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )
Tags: CA, DAR, DAR Sec. John Castricones