Kumpanyang tumanggap ng kargamento na may lamang P6.4-B halaga ng shabu mula China, itinangging alam nila ang tungkol sa kontrabando

by Radyo La Verdad | August 10, 2017 (Thursday) | 3823

Mariing itinanggi ng consignee ng kargamento na naglalaman ng 6.4 billion pesos na shabu sa China na may kinalaman sila sa ilegal na shipment na nasabat ng customs noong May 26 sa Valenzuela City.

Maging ang mga personalidad na nag-asikaso upang makapasok ito sa bansa ay kani-kaniyang depensa sa ginawang pagdinig ng blue ribbon committee. Si Richard Tan na nagmamay-ari ng Hong Fei Freight Forwarder na nag-asikaso upang maipadala at matanggap ang kargamento sa Pilipinas, nanindigang hindi niya alam na may lamang droga ang mga printing rollers.

Muli namang inihayag ng customs broker na si Mark Taguba ang ibinibigay na payola o tara sa ilang mga tauhan ng customs upang mabilis na makalabas ang mga kargamento.

 

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , ,