Kumalat na PNP memo tungkol sa bomb threat sa isang mall, peke ayon sa PNP

by Radyo La Verdad | February 6, 2017 (Monday) | 996


Kumalat sa social media ang isang memorandum ng Philippine National Police kung saan nakalagay ang plano umanong pambobomba ng bandidong Abu Sayyaf Group sa SM malls.

Sa memo, nakasaad na binalaan ng mga bandido ang security personnel na pasasabugin ang mall kung hindi makapagbibigay ng malaking halaga.

Pinabulaanan naman ito ng PNP at sinabing peke ang naturang memo.

Nanawagan pa ito na huwag itong ipakalat upang hindi magdulot ng public unrest.

Tiniyak naman ng pamunuan ng mall na mahigpit ang kanilang isinasagawang seguridad para sa kaligtasan ng customers at mga empleyado.

Tags: ,