Korte Suprema, naglabas ng status quo order sa pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani

by Radyo La Verdad | August 23, 2016 (Tuesday) | 3992

THEODORE-TE
Pansamantalang pinatitigil ng Supreme Court ang preparasyon para sa pagpapalibing sa mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Isang status quo order ang inilabas ng Korte Suprema at epektibo ito sa loob ng 20 araw o hanggang sa September 12.

Ibig sabihin nito, hindi muna maaaring ipatupad ang memorandum ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nag-uutos na gawin ang kinakailangang paghahanda para sa libing ni Marcos.

Ikinatuwa ng mga petitioner ang naging hakbang na ito ng Korte.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: , ,