Korte Suprema, dapat manghimasok kung hindi itutuloy ang joint session ng Kongreso – Sen. Franklin Drilon

by Radyo La Verdad | May 31, 2017 (Wednesday) | 1306


Nagbabala ang minority bloc ng Senado na dapat may managot sa liderato ng Kongreso kung sakali mang hindi ituloy ang joint session para talakayin ang deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon namn kay Senate Minority Leader Sen. Franklin Drilon, dapat na maghimasok ang Korte Suprema kung sakaling manitiling isyu pa rin sa kongreso ang pagsasagawa ng joint session.

Katunayan, pinaplano na ng opposition bloc ng Kamara na maghain na ng petisyon sa Korte Suprema.

Samantala, naghain naman ng joint resolution ang Makabayan bloc sa Kamara para magpatawag ng joint session at i-revoke ang deklarasyong batas militar.

Naninindigan naman ang liderato ng Kamara na wala pang pangangailangan sa ngayon para sa joint session.

(Nel Maribojoc)

Tags: , ,