Nailigtas ng PNP Anti-Kidnapping Group ang isang Korean National na si Lee Jung Dae matapos na dukutin ng apat na kapwa Korean at isang Pinoy noong Nov 24. November 25 naman nang maaresto ang apat na suspek.
Ayon kay PNP Chief PDG Ronald Bato Dela Rosa, sina Cha Jae Young at kakambal nito na si Cha Jae Sun at Pilipinong si Raymond Flores ay nahuli habang binabantayan ang biktima sa parking area ng Bureau of Immigration sakay ng Toyota Fortuner.
Habang nahuli naman sa follow-up operation si Kim Min Kwan alyas Michael Lim sa condominium nito sa may Padre Faura Manila.
Ang kambal na Cha ang nagsasagawa ng casing at surveillance sa mga posibleng target. Trabaho naman ni Kim Min Kwan na makipagsabwatan sa umanoy Bureau of Immigration agent na si Carlos Garcia alyas Oxo, kaya nakapaglabas agad ang mga ito ng unofficial mission order laban kay Lee.
Humingi ng P1.2 million pesos ransom ang mga suspek na ibinigay sa Marquee Mall Angeles. Subalit hindi pa rin pinakawalan ang biktima at sa halip ay binitbit sa Intramuros, Manila.
Tanging ang tatlong tauhan ni Lee sa kaniyang restaurant na sina Kim Dae Hyun, Jung Ju Wan, Kim Woo Min ang pinakawalan ng grupo.
Muling hUmingi ng panibagong P1.2M ang mga suspek para umano sa kalayaan ni Lee at dito na sila na entrap ng mga otoridad.
Sinasabing kasabwat din ng mga suspek ang 3 NBI agents at dalawang ahente ng Bureau of Immigration. Ang naturang insidente ayon kay Bato ay katulad ng Jee Ick Joo case na wala mang sangkot na pulis ay may ahente pa rin ng NBI na kasabwat at Bureau of Immigration and Deportation.
( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )
Tags: Korean kidnap victim, Maynila, PNP-AKG