Planong kausapin ni Senate President Vicente Sotto III ang Blue Ribbon Committee kaugnay ng estado ng resolusyon na inihain na layong imbestigahan ang umano’y anomalya sa 60 million peso-advertisement deal ng Tourism Department sa Peoples Television Network (PTV).
Ayon kay Senator Sotto, dapat nang imbestigahan ng Senado ang isyung ito kung talagang wala nang planong isauli ng magkapatid na Ben at Erwin Tulfo ang pera.
Una nang kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang ibinayad na 60 milyong piso bilang ad placement sa programang Kilos Pronto kung saan hosts ang magkapatid na Tulfo. Dahil ito sa kakulangan ng nararapat na dokumento.
Lumutang ang kontrobersya dahil sa isyu ng conflict of interest dahil naganap ito sa ilalim ng panunungkulan nang nagbitiw na si dating Tourism Secretary Wanda Teo na kapatid rin nina Ben at Erwin.
Plano naman ni Senator Antonio Trillanes na magsampa ng reklamo sa magkakapatid na Tulfo.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )
Tags: SEN. SOTTO, Senado, Tourism Department