Konstruksyon ng “Jewel” Airport ng Singapore, inaasahang matatapos sa 2019

by Radyo La Verdad | December 26, 2017 (Tuesday) | 2014

Sa taong 2019 target buksan sa publiko ang tinaguriang Jewel Airport ng Changi O ang Terminal 5, ito na ang magiging pinakamalaking terminal ng paliparan na kayang maglaman ng 50million na pasahero sa isang taon.

Ang laki nito ay katumbas nang pinagsamang terminals 1,2,3 ng Singapore Airport.

Sa kasalukuyan ay nasa 65% nang tapos ang paliparan. Maraming atraksyon sa bagong terminal pero ang pinaka-highlight ay ang 40 meters na indoor waterfall at ang indoor garden.

Umaasa ang pamumuan na matatapos ito bago ang inaasahang pagbubukas sa 2019.

 

( Mary Jo Maleriado / UNTV Correspondent )

Tags: , ,