Kongresista, nanawagan sa DOH na bigyang atensyon ang halos 200 Pilipino edad 50 pataas na nagpositibo sa HIV ngayong 2018

by Radyo La Verdad | September 24, 2018 (Monday) | 10206

Base sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), sa mahigit anim na libong kaso ng HIV ngayong 2018, nasa isandaan at animnapu’t anim dito ay nasa edad limampung taon pataas.

Kaya naman nanawagan si Kabayan Partylist Representative Ron Salo sa Department of Health (DOH) na alagaan at tutukan ang gamutan ng mga ito.

Ang kongresista ay isa sa mga principal author ng proposed Philippine HIV-AIDS Policy Act lamented. Karamihan umano sa mga nagpositibo ay mga lalakeng overseas Filipino worker (OFW).

Base sa datos na hawak ni Salo, 65 anyos umano ang pinakamatandang OFW na may sakit na HIV.

Mula Enero 2013 hanggang sa Hulyo 2017, nasa mahigit isang libo na ang mga Pilipinong nag positibo sa HIV na nasa edad 50 pataas.

Sa kasagsagan ng deliberasyon ng panukalang pondo ng DOH sa Kamara, ipinangako ng kagawaran na gagawan nila ito ng aksyon.

Ayon kay Bulacan 1st District Representative Jose Antonio Sy Alvarado na siyang nagsponsor ng pondo ng DOH, patuloy ang pagbibigay ng DOH ng libreng counseling, testing  at maging ang kanilang gamutan.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,