Kongresista hinikayat ang NBI na imbestigahan ang mga nag-expire na gamot ng DOH

by Erika Endraca | August 5, 2019 (Monday) | 11305

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Bagong Henerasyon Party List Rep. Bernadette Herrera-Dy ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan at sampahan ng kaso ang mga opisyal ng Department of Health (DOH) na responsable sa mga gamot na malapit nang magexpire na nagkakahalaga ng P 367- Million.

Masama ang loob ng kongresista dahil hindi manlang ito mapapakinabangan ng mga magihirap na Pilipinong nangangailabgan. Mismong sila umano sa kamara na bumabalangkas ng taunang pondo ng mga ahensya ng pamahalaan ay nahihirapang humingi ng gamot ng DOH.

“Nakaka-highblood itong nadiskubre ng COA na mayroong P367 million na imbentaryo ng mga gamot na hinayaan lamang mag-expire at hindi napakinabangan ng taumbayan gayong kami mismong mga nasa kongreso ay nahihirapang magrequest ng mga gamot para sa aming constituents.” ani Bagong Henerasyon Party List Rep. Bernadette Herrera-Dy.

(Grace Casin | Untv News)

Tags: ,