Tumanggap ng tatlong parangal ang UNTV sa 29th Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club o PMPC na ginanap sa Kia Theater sa Cubao kagabi.
Pinarangalan bilang Best Children Show ang Kawan ng Cordero o KNC Show at Best Children Show Host sina Eric Cabobos, Bency Vallo, Moonlight Alarcon, Cid Capulong, Cedie Isip, Kim Enriquez, Tim Argallon, Angelica Tejana, Leanne Manalanzan at Kyla Manalang.
Nanalo naman bilang Best Talent Search Program ang kaisa-isang praise songwriting competition sa telebisyon, ang A Song of Praise o ASOP Music Festival.
Tinanggap ng host ng ASOP na si Richard Reynoso ang parangal para sa programa.
Tags: 29th PMPC Star Awards for TV, A Song of Praise Music Festival, KNC Show, UNTV