Klase sa lahat ng antas sa mga paaralan sa Metro Manila bukas, supendido

by Radyo La Verdad | November 19, 2018 (Monday) | 3451

Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa syudad ng Maynila bukas, araw ng Martes.

Batay sa Executive Order No. 41 ni Mayor Joseph Estrada, ito ay kaugnay ng pagbisita sa bansa ni Chinese President Xi Jin Ping.

Dadalo umano si President Xi sa wreath laying ceremony sa Rizal Monument kaya inirekomenda ng Manila Police District ang suspensyon ng klase para maipatupad ng mas maayos ang seguridad.

Samantala, kasama rin sa suspensyon ang pasok sa Manila City Government.

Tags: , ,