Klase sa lahat ng antas sa buong Metro Manila at karatig lugar, suspindido ngayong araw

by Radyo La Verdad | July 28, 2017 (Friday) | 1191


Suspendido pa rin ngayong araw ang klase sa mga pampubliko at pribado sa lahat ng antas sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Walang pasok sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa buong Metro Manila, Bataan, Bulacan, Cavite, Zambales, Pampanga, Angeles City, Olongapo City, Talavera Nueva Ecija at San Pedro Laguna.

Sa lalawigan ng Tarlac, wala ring klase sa lahat ng antas ng paaralan sa bayan ng Gerona, Lapaz at Concepcion.

All levels din ang class suspension sa Angonio, Antipolo, Cainta, Taytay, Teresa at San Matero Rizal.

Habang suspindido naman ang klase mula pre-school hanggang senior highschool sa Tarlac City.

Tags: , ,