Kickoff ng brigada eskwela 2016, isasagawa ng DEPED sa Nueva Vizcaya

by Radyo La Verdad | May 27, 2016 (Friday) | 3389

GRACE_BRIGADA
Ala-siyete pa lamang ng umaga ay abala na ang mga taga-kayapa sa pag-aayos sa mga gamit pang-eskuwela sa Pingkian High School sa Nueva Vizcaya.

Inihahanda nila ang eskuwelahan dahil dito gaganapin ng Department of Education ang grand kickoff ng brigada eskuwela 2016 sa darating na Lunes, sa pangunguna ni outgoing Education Secretary Armin Luistro.

Taunang ginagawa ng DEPED ang brigada eskuwela na layuning maihanda ang mga paaralan bawat pasukan upang huwag nang maabala sa paglilinis ang mga mag-aaral.

Nakapaloob dito ang paglilinis sa school grounds, pag-aayos sa mga silid-aralan at pagkukumpuni sa mga upuan at lamesa na maaari pang pakinabangan.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,