Key officers ng PNP, may bonus mula sa Malakanyang ayon kay CPNP

by Radyo La Verdad | December 19, 2016 (Monday) | 1033

lea_dela-rosa-2
Binigyan ng Malakanyang ng cash gift na nagkakahalaga ng mula limampu hanggang apat na raang libong piso ang key officials ng Philippine National Police.

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, hindi niya ito ibubulsa at maaari nang kunin ng mga opisyal sa kanyang opisina.

Itinanggi naman ni Gen. Dela Rosa na bahagi ito ng loyalty check kundi nais lamang ng pangulo na maging masaya ang mga opisyal ng PNP na nagtatrabaho ng maayos.

Pagmamalaki pa ng pinuno ng pambansang pulisya, first time na nangyari na nabigyan ng cash gift ang mga opisyal ng PNP mula sa presidente.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,