Kevin Durant, maglalaro na sa Golden State Warriors

by Radyo La Verdad | July 6, 2016 (Wednesday) | 2612

DURANT
Umalis na si former NBA Most Valuable Player Kevin Durant sa Oklahoma Thunder at lilipat na sa Golden State Warriors.

Si Durant ang pinakamalaking player sa free agent market na nakuha ng Warriors.

Si Durant ay four-times league scoring champion at seven-times all-star at siyam na season na naglaro sa Thunder franchise.

Sinabi ni Durant sa kanyang post sa players’ tribune website na ang paglipat sa Warriors ang pinakamahirap na desisyon na kanyang ginawa sa kanyang professional career.

(UNTV RADIO)

Tags: