Kawhi Leonard, muling pumirma ng kontrata sa SA Spurs

by dennis | July 17, 2015 (Friday) | 832

kawhi-leonard

Inanunsyo ng San Antonio Spurs ang muling pagbabalik ni forward Kawhi Leonard sa kanilang roster matapos itong pumirma ng kontrata sa koponan. Dahil sa team policy, hindi na ibinunyag ang iba pang detalye sa kanyang kontrata.

Si Leonard ang nanguna sa steals department nitong nakaraang season at tinanghal na 2015 NBA Defensive Player of the Year. Isa lamang siya sa tatlong manlalaro na nakapagwagi ng Defensive Player of the Year award at isang Finals MVP. Kasama niya sa naturang karangalan si Michael Jordan at Hakeem Olajuwon.

Nitong nakaraang season, nag-average si Leonard ng 16.5 points, 7.2 rebounds, 2.5 assists, 2.31 steals at 31.8 minutes sa loob ng 64 na laro, habang nagposte rin to ng .479 field goal percentage.

Magiging kapana-panabik ang magiging roster ng Spurs matapos ipostpone ang pagreretiro nila Tim Duncan at Manu Ginobili, kasama na rito ang blockbuster free agent signing ni power forward LaMarcus Aldridge.