Nakatakdang buksan bukas, araw ng Martes ang kauna-unahang eco-airport sa Pilipinas, ang Panglao International Airport. Ito lamang ang paliparan sa bansa na gumagamit ng renewable at sustainable structures.
Inaasahang pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon sa paliparan.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), 99% na ang konstruksyon ng Panglao Eco-Airport na nagkakahalaga ng seven point seventy-three billion pesos.
Sinimulan ang pagtatayo ng paliparan noong 2015 at target sanang matapos sa taong 2021.
May kapasidad ito na tumanggap ng dalawang milyong pasahero na doble ng Tagbilaran Aiport.
Sa pamamagitan nito, inaaasahang mas uunlad pa ang tourism sector sa lalawigan ng Bohol.